Hindi pala ganun kadali mag-aral abroad. Lalo pa kung galing ka sa Pinas. Lumaki ka namang masipag mag-aral. Mahilig ka naman magbasa ng libro. Pero hindi pala ganun kadali kung sa sistemang kinalakihan mo, parating ikaw lang ang tagatanggap. Lumaki akong naniniwala na sa loob ng paaralan, kailangan ko matuto sa pamamagitan ng mga impormasyong isasalin sa akin ng aking mga guro. Mga impormasyon na ika nga nila "isusubo ko nalang".
Ngunit hindi ganun dito sa labas ng Pilipinas kong mahal. Hindi ganun dito sa New Zealand.
Malapit na akong magtapos sa isang taon kong kurso sa Educational Leadership. Awa ng Panginoon, kinaya ko naman ang mga araw at gabing pagmumukmok sa harap ng aking laptop. Sa awa ng Panginoon, may mga ideya namang kahit sapilitan kong pinipiga sa aking utak ay lumalabas parin. Sa awa ng Panginoon, nakakaya ko naman,
Pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Pangalawang beses ko nang iniyakan ang hirap at pagod na dinadanas ng aking hamak na utak. Hindi ganoon kadali. Sobra, ang hirap. Mga pagkakataon na iiyak ka nalang at matutulala dahil hindi mo alam kung ano ang iyong mga isusulat. Iyong titingin ka nalang sa kawalan at mapapatulo nalang ang iyong mga luha dahil hindi mo alam kung paano ka magsisimula o magtatapos sa iyong akda.
Habang sinusulat ko ito, patuloy na nagngangalit ang apoy sa aking dibdib. Pakiwari ko'y ako'y nakikipagdigma sa mga ideyang pilit na humihiligpos sa kawalang di ko maarok. Ilang araw na lamang at kailangan ko nang ipagkaloob ang aking mga gawa sa aking propesor. At habang palapit ang mga araw, lalong humihigpit ang aking paghinga, lalong bumibilis ang pintig ng aking puso.
At sa kabila ng mga ito. Kailangan kong bumalik sa reyalidad. Kailangan kong bumalik sa pagsusulat ng aking akda....
Tuesday, 13 October 2015
Subscribe to:
Posts (Atom)
A year-end reflection: Thank you, 2022! Welcome 2023!
It's January 1, 2023-- the start of a new year. A little bit of a flashback to what happened last night: I finished work at 8 pm, Raymo...
-
March 2025 These are indeed unsettling times. United States As I sit in front of my computer, trying to write a chapter for my dissertation,...
-
In recent years, South Korea, particularly the city of Seoul, has become a famous destination for many people. This can be attributed to the...
-
On my 33rd birthday, I decided to do something different again. Well, I find my birthdays really special. Since time immemorial, I would d...